Thursday, July 28, 2011

Populasyong Umaasa at Inaasahan

More Sibika songs...


Populasyong Umaasa at Inaasahan
(tune: Twinkle...Twinkle Little Star)

Populasyon ang tawag
sa kabuuang bilang
ng mga tao sa isang lugar
o di kaya sa pamayanan
Populasyong umaasa o inaasahan
Ating pag-aralan ang kaibahan.

Sanggol at mga bata 
pati kabataan
ay karaniwang inaalagaan.
Sila'y pumapasok pa sa paaralan
umaasa sa magulang sa pangangailangan.
Matatanda naman ay mahina na
kabilang sila sa umaasa.

Naghahanap buhay at inaasahan
upang matugunan mga pangangailangan
sila'y may husto nang gulang
at malakas ang pangangatawan.
Nagbibigay serbisyo o produkto man
kabilang sila sa inaasahan.


Be blessed.

Happy Homeschooling!


No comments:

Post a Comment